Love is when you realize you are happy… because he is beside you.
Sa loob ng limang taon ay inalagaan ni Jelle si Guji sa kanyang puso. Nakontento na siya sa palihim na pagmamasid at pagtanaw sa lalaki mula sa malayo. Until one day, she learned that he already had somebody else. Naalarma ang puso ni Jelle kaya naglakas-loob siyang lapitan ito.
Her plan was almost perfect. Kung hindi lamang palaging sumusulpot sa eksena ang “tinik” sa kanyang lalamunan na si Reus San Diego, ang kaisa-isang tao sa kanilang buong university na nakakaalam ng kanyang lihim na pagtingin kay Guji. Sa bawat pagkakataong nagpapapansin siya kay Guji ay palaging sinisira ni Reus ang diskarte niya. Hindi alam ni Jelle ang dahilan ng panggugulo nito kaya isang araw ay nagulat siya nang bigkasin ni Reus ang mga katagang “I’ll make you love me, Jelle.”
Hala! Hindi siya maaaring magkagusto kay Reus dahil hindi niya ito type. Pero bakit parang nagdiwang ang kanyang puso dahil sa mga katagang iyon? Parang sinasabi rin ng puso ni Jelle na bigyan niya ng tsansa si Reus na ipakilala ang sarili sa kanya.