“Dahil mahal kita, handa akong tanggapin ang lahat ng kahinaan at imperfections mo. Kasama `yon sa mga minahal ko sa `yo.”
Hasmin was just a nobody. Hindi siya tulad ng ibang babae sa eskuwelahan nila na lilingunin at pag-aaksayahan ng oras ng kalalakihan para kilalanin. Kaya ganoon na lang ang pagtataka niya nang isang araw ay lapitan siya ni Clent Fereira—ang lead vocalist ng pinakasikat na banda sa kanilang eskuwelahan—para makipagkaibigan, na naging daan para mahulog ang loob niya sa lalaki.
Sa kabila ng malaking pagkakaiba ng personality at social status nilang dalawa, they still managed to build a strong kind of friendship, na later on ay naging matatag na pundasyon nang maging magkasintahan na sila.
Pero kahit pala ang relasyon na may matatag nang pundasyon ay hindi pa rin exempted sa betrayal.
Iyon ang na-realize ni Hasmin nang lokohin siya ni Clent at malamang hindi pala kasintibay ng pagmamahal niya para sa lalaki ang sinasabi nitong pagmamahal sa kanya.
Paano niya paniniwalaang totoong mahal nga siya ni Clent gayong kaya pala nitong saktan ang kanyang damdamin? Hindi ba’t kapag mahal mo ang isang tao, hinding-hindi ka gagawa ng bagay na makakasakit sa minamahal mo?