“Masarap ang pakiramdam ng kinikilig. Lalo pa kung pareho kayo ng nararamdaman ng taong nagpapakikilig sa `yo.”
Wig, check. Fake eyebrows, check. Lola Basyang dress, check. Kompleto na ang look ni Lauraida bilang baduy na yaya ng batang si Ady. Kailangan niyang magpanggap na pobreng probinsiyana. Na-curious kasi siya sa katauhan ni Ady pagkatapos niyang mabasa ang napulot na sulat ng bata. Isa pa, gusto niya ring takasan ang istriktang tiyahin at ang gulong kinasangkutan sa Maynila.
Okay sana si Lauraida sa kanyang hitsura kung hindi lang umeksena ang saksakan ng guwapong ama ng batang alaga niya. Tuloy, abot-langit ang pagsisisi niya sa pagbabagong-anyo. Hindi niya napigilang mahulog ang loob sa biyudo. Kahit pa mukhang hindi pa ito nakaka-move on sa dating asawa.
Ginawa niya ang lahat para mapansin nito. And when he did, naging abot-kamay nila ang kaligayahan.
Pero may tinik na hadlang—ang kanyang tunay na katauhan.