“Mahal kita… mainit-init pa, galing sa puso ko.”
Sa lahat yata ng malas sa pag-aasawa, si Dulcie na ang pinakamalas. Kinahapunan mismo ng kasal nila ni Atty. Wade Advincula ay umalis ito kasama ang kliyente nitong si Bianca at mula noon ay hindi na niya muling nakita ang lalaki. Pagkalipas ng dalawang taon, saka lang sila muling nagkaharap.
Dahil ramdam ni Dulcie na mahal pa rin niya ito ay hinayaan niyang kalimutan na lang nila ang nakaraan at nagsimula uli sa piling ng asawa. Hanggang sa muling sumulpot si Bianca sa eksena.
May pag-asa pa ba silang magkaayos ng kanyang estranged husband gaya ng nais nitong mangyari?