“Ikaw ang mahal ko. No scripts. No gimmick. Iyon ang totoo.”
Sa sobrang sama ng loob ni Patrice sa ex-boyfriend na si Calden ay nakagawa siya ng recipe ng pastillas na para sa mga bitter. Hindi niya inaasahang magiging viral ang kanyang video nang mai-upload sa Internet. Dahil doon ay sunod-sunod na ang mga manliligaw niya na gustong hilumin ang kanyang pusong sugatan.
Wala naman sanang pakialam si Patrice sa mga ito kung hindi lang niya kinailangan ng pera. Napilitan tuloy siyang tanggapin ang alok ng isang TV network na maging bida sa isang dating game kung saan nakahilera ang mga lalaki para makuha ang kanyang puso. Chance na rin daw niya iyon para maka-move on.
Pero effective naman kaya ang solusyong iyon kung nasa kalabang istasyon si Calden at katapat pa ng programa nito ang programa niya?
Sino ang magwawagi sa labanang iyon?