Shopping Cart

You save ₱0.00 on this order.
Total

₱0.00

Checkout
Category
The Wedding Crasher
E-book

The Wedding Crasher

by: Flynn Marcus

₱45.00
Category: Precious Hearts Romances
Weight: grams
Texture:
Quantity:
Size:
Weight: grams
Texture:

“I protest,” puno ng kumpiyansang sagot ni Lana sa tanong ng pari sa kasalang iyon. Pero nanlaki ang kanyang mga mata nang magtama ang tingin nila ng groom. Maling kasalan pala ang tinutulan niya. Hindi iyon ang kasal ng best friend niyang si Logan.


Lalabas na sana si Lana ng simbahan nang pigilan siya ng groom—na cute pala sa malapitan—at sabihin sa kanyang sabay na raw silang lumabas. Naguguluhan man ay sinunod niya ang lalaki.


Pero isang araw ay pinuntahan siya ng groom, na nakilala niyang si Rover Almonte. Kaklase pala niya ang lalaki noong high school. Dapat daw niyang panindigan ang ginawang gulo kaya kailangan nilang magpanggap na magkasintahan. Naghahabol kasi ang bride ni Rover. In short, napilitan lang ang binata sa pagpapakasal kaya ikinatuwa nito ang ginawa niyang pagtutol. Pumayag si Lana dahil naging kontrobersyal ang ginawa niya at ipinayo ng network na kanyang kinabibilangan—kung saan isa siyang sikat na contract star—na linisin ang gulong ginawa niya.


Nagtagumpay sila sa pagpapanggap. Parang mas magaling pa ngang umarte si Rover kaysa sa kanya. Ramdam niyang totoo ang mga ikinikilos nito mula sa pag-arteng sila na at sa halik na iginagawad nito sa kanya.


Pero bakit nang marinig niya mismo mula kay Rover na mahal siya nito noon pa man, hindi niya magawang maniwala?

    There are no ratings for this product yet.

Related Products

Download our new eBooklat App

Experience our new app and subscribe.

ImageImageImage
Image
Image