"My life is so boring. But then you come>, ond it become exciting.' Bihira long na may lalaking makakuha ng atensyon ni Susan. Pero nabago iyon nang makilala niya si Samuel, ang lalaking puno ng sticky notes ang bahay at hindi tumatawid hangga't hindi pa iwenty-eight seconds ang natitira sa pedestrian traffic lights. Para long mapalapit kay Samuel ay ginawa ni Susan ang lahat para magpapansin. Nag-a la stalker siya. At nangyari naman ang gusto niya. Napalapit siya sa lalaki. Nakilala niya ito at unti-unti niyang na-realize na isa itong komplikadong tao. Pero hindi iyon naging hadlang para mahalin niya si Samuel, tugunin ang maaalab nitong halik, at ibigay nang buo ang kanyang sarili. Iyon nga lang, natuklasan niya rin ang mga misteryo sa pagkatao ni Samuel. At nasiguro niyang kahit kailan ay hindi siya nito kayang mahalin nang buo. Paano na?