“I’ve been in love with you the moment I met you. Kung itatanong mo sa akin kung paano kita minahal, hindi kita masasagot dahil hindi ko rin maipaliwanag.”
Hindi napigilan ni Madi ang galit nang magkrus uli ang mga landas nila ng lalaking naging dahilan kung bakit nawalan siya ng trabaho—si Chef Rio Vanni Cruz—kaya sinuntok niya ito sa harap ng maraming tao. Hindi pa siya nakontento. Nangako siya sa sarili na gaganti pa siya sa lalaki.
Nag-apply si Madi sa restaurant na pag-aari ni Vanni para maisakatuparan ang planong pagsabotahe sa chef. Pero kahit sinasadya niyang maging palpak, kahit minsan ay hindi siya pinagalitan nito. Sa halip, ang comforting words ni Vanni sa kanya ang naging daan para unti-unti niyang makilala ang tunay na ugali nito.
Gusto niyang pairalin ang dikta ng kanyang puso. But she had to make sure his kindness was for real.