“Saksi ang Diyos, na ikaw at tanging ikaw lang ang mamahalin ko at walang sinuman at anumang makapaghihiwalay sa atin, kahit na kamatayan.”
Minahal ni Cecilia si Lorenzo sa kabila ng siya ang nag-iisang tagapagmana ng panginoon ng hacienda na pinaglilingkuran ni Lorenzo.
Ipinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan. Subalit malupit ang tadhana. Sa mga bisig niya binawian ng buhay si Lorenzo at ang kanyang ama ang dahilan. Upang makalimot ay nagpakalayu-layo siya sa kanilang lugar.
Sa pagbabalik ni Cecilia pagkalipas ng ilang taon ay nanariwa ang sakit ng nakaraan, lalo na at may isang Lawrence Monreal na nagpapaalala sa kanyang namayapang kasintahan. Maraming pagkakahawig ang mga ito. Pero kung gaano kabait si Lorenzo ay siya namang pagkatuso ng negosyanteng si Lawrence. Pinautang nito ng napakalaking halaga ang kanyang ama kahit alam nitong hindi iyon mababayaran ng kanyang ama. Ang balak kasi talaga ni Lawrence ay mapasakamay nito ang hacienda.
May naramdaman si Cecilia na galit sa lalaki, lalo pa at palagi siya nitong tinutuya at pinapasaringan. Subalit bakit sa bawat titig at mapangahas na halik ni Lawrence ay nakakalimot si Cecilia sa pangakong binitiwan sa namayapang kasintahan?