Unang kita pa lang ni Jazeel kay Randel Alcaraz ay hindi na niya gusto ang lalaki. Mayabang kasi ito, saksakan ang bilib sa sarili, at dakilang playboy pa. Kaya sobra ang inis na nararamdaman niya tuwing magkikita sila.
Nawala lang ang inis niya kay Randel nang maging malapit sila sa isa’t isa at madiskubre niya ang lahat ng magagandang katangian nito. Hanggang sa namalayan na lang niyang in love na pala siya sa lalaki at ganoon din ito sa kanya.
Pero ang inakalang panghabang-buhay na sayang nararamdaman nila sa isa’t isa ay hindi pala magtatagal. Dahil nalaman ni Jazeel na ang lalaking minamahal ay mahal din pala ng nag-iisa niyang kapatid—si Ellen na may sakit sa puso.
Ano ang pipiliin ni Jazeel: ang sariling kaligayahan kasama ang lalaking pinakamamahal o ang kaligayahan ng nag-iisang kapatid na mahal na mahal din niya?