“There’s something between us. At alam mo iyon dahil alam ko rin.”
Hindi inasahan ni Savannah na muling magkukrus ang mga landas nila ni Dylan Montenegro. Akala pa naman niya ay nakalimutan na niya ito pati na ang malalim na pag-ibig niya rito. Tinalikuran siya nito noon at nasaktan siya nang husto.
Single dad na ito ngayon. Guwapo pa rin ito tulad ng dati at higit na matagumpay. Mahirap pa ring pigilan ang sarili niya na muling mahalin ito, lalo na at tatlong linggo silang magkakasama sa isang bakasyon. But there was a catch—nakabantay sa bawat kilos nila ang pasaway na anak nitong pansamantalang inaalagaan niya, ang anak na naging dahilan kaya iniwan siya nito noon. Ang anak na gagawin ang lahat para lang magbalikan sina Dylan at ang ina nito.
Mabilis na umusbong ang nararamdaman nila sa isa’t isa na naisantabi lang pala. Mukhang desidido na si Dylan na balikan siya sa pagkakataong iyon.
But fate had a habit of repeating itself. Nadisgrasya ang ina ng bata. Kailangan na naman nito si Dylan. Pero sa pagkakataong iyon, hindi na papayag si Savannah na maiwan sa ere, dahil puwede rin namang siya ang mang-iwan. She would forget about him, lick her wounds, and find another man who would not break her heart as Dylan did.
Kung sana lang ay madaling gawin iyon…