“Ako ang nahulog sa bitag mo. Pakiramdam ko, ikaw na ang kumokontrol ng isip ko dahil hindi kita maalis sa isip ko at hindi ko kayang lumayo sa `yo.”
Mayaman, maganda, at tagapagmana ng isang sikat na hotel chain si Zara del Rosario. Bukod doon ay ikakasal siya sa isang bilyonaryo at guwapong lalaki. Pero nakilala niya si Vitto Roxas nang kunin siyang garden designer ng villa na pag-aari nito. Unang kita pa lang niya kay Vitto ay nakadama na siya ng atraksiyon sa lakas ng dating at karisma nito.
Pero hindi akalain ni Zara na mawawala sa kanya ang lahat nang mabunyag ang naging ugnayan nila ni Vitto. Itinakwil siya ng mga magulang niya at tinalikuran ng lalaking pakakasalan niya. Ang masaklap ay nalaman niyang ginamit lang siya ni Vitto para makapaghiganti sa kanyang ama na kinasusuklaman nito nang labis.
At hindi niya sukat-akalain na ang pagkawala sa kanya ng lahat ay mapapalitan ng dalawang taong magkakaroon ng malaking bahagi sa buhay niya—si Vitto at ang buhay sa sinapupunan niya…