“I still love you even with all the doubts.”
Emerald Jacinto de Guzman
Simpleng babae lang siya nang makilala si Christien. Kaya laking-gulat niya nang lapitan, i-date, at pakasalan siya nito. She thought she was living a fairy-tale life until one bad incident…
Christien de Guzman
Isa siyang magaling na lawyer. Wala pa siyang naipatalong kaso. He was not a loser, or so he thought—dahil ang mismong taong pinahalagahan niya ay siya ring naipatalo niya.
The Will
“Stay in your marriage and provide an heir under your current marriage.” Iyon ang huling habilin ng namatay na tiyahin ni Christien sa kanilang mag-asawa.
Pareho nilang gustong makuha ang mana at mangyayari lang iyon kung magagawa nila ang habilin. Pero magkakasundo ba sila kung ang nakalagay sa last will ay ang mismong sanhi ng paghihiwalay nila?