“Kahit wala ako sa sarili ko, isang babae lang ang kayang mahalin ng puso ko. Ikaw iyon, wala nang iba…”
Hindi sigurado si Jas kung kaya pa niyang magmahal nang katulad ng pagmamahal na iniukol niya sa dating nobyong si Nio. She simply loved him too much that when he died, it was as if a part of her died, too. Tanggap naman niya iyon at nauunawaan ng current boyfriend niyang si Dillon. Mahal din kasi nito si Nio dahil best friend nito ang lalaki. Then along came Abel. May kung ano rito na nagpapaalala sa kanya sa dati niyang nobyo kaya naantig ang interes niya rito. Ang interes na iyon ay mabilis na lumawig hanggang sa hindi na simpleng interes lang ang nararamdaman niya para dito. Nagkakagusto na siya rito. And in a big way! Nataranta siya, natakot, na-guilty, at nahindik nang malaman niya ang isang masaklap na katotohanan.