“I never stopped loving you. Hihinto sa pagtibok ang puso ko sa sandaling itigil ko ang pagmamahal ko sa iyo.”
Sa kabila ng kanilang murang edad, minahal nina Theo at Stella ang isa’t isa. Nagbunga ang pagmamahalang iyon kaya nagpasya silang magpakasal at lumayo mula sa mga taong gustong humadlang sa pagmamahalan nila. Ngunit hindi sumipot si Theo sa kanilang kasal. Lubhang dinamdam iyon ni Stella. Kung hindi sa magandang alaala na iniwan nito sa kanya, malamang na sumuko na siya.
Pagkalipas ng ilang taon, muling nagkrus ang mga landas nila. Hinihingi nito ang karapatan nito sa kanilang anak. Nais din nitong bumalik sa buhay niya. Magagawa pa ba niyang papasukin uli ito sa kanyang buhay at isugal ang kanyang puso na minsan na nitong winasak?