Nasasaktan lamang ang puso kaya kailangang ipahinga; ngunit iibig at iibig din iyon muli sa tamang panahon. At sa tamang taong magpaparamdam niyon.
Nawala na parang bula ang asawa ni Emily na si Neb. Dahil doon ay walang kapantay ang naging lungkot sa buhay niya.
Pero isang araw ay biglang bumalik ang kanyang asawa. Hindi niya inakala na ang pagbabalik na iyon ni Neb ay ang pagkakatuklas din niya sa isang masaklap na katotohanan—na nagamit pala siya sa kasamaan at kasakiman ng kanyang hindi nakikilalang ama. Matagal na pala itong tinutugis ng grupo ng mga secret agent na kinabibilangan ng kanyang asawa. At ang misyon sa paghahanap sa kanyang ama ang dahilan ni Neb upang paibigin at pakasalan siya.
Tinanggap ni Emily ang katotohanang nagpabago sa kanyang pagkatao. Ngunit ang higit na nagpapahirap sa kanya ay ang malaman na hindi pala totoo ang pagkataong ipinakita ni Neb.
Paano niya makakalimutan ang lahat ng sakit upang mabigyan ng isa pang pagkakataon si Neb? Dahil sa kabila ng kasinungalingang ginawa ng asawa ay mahal na mahal pa rin niya ito.