“Kung katangahang masasabi ang kagustuhang makasama ka, eh, di sige, tanga na ako.”
Sumali si Jaeda sa car racing dahil mahilig talaga siya roon… at upang malapit siya sa crush niyang si Spencer Aaron Mapa. Pero dahil kabilang din sa drag racing ang kuya niya at takot siyang matuklasan nito ang ginagawa niya ay nagsuot siya ng maskara at nakilala siya bilang si “Lady J.”
Nakamit niya ang nais niya—naging malapit nga siya kay Spencer, pero hindi bilang si Jaeda kundi bilang si Lady J. At hindi lang iyon, mukhang nahulog na rin ang loob nito kay Lady J. At dahil nais nitong makita ang tunay niyang mukha, hinamon siya nito sa isang karera… at ang pusta, aalisin niya ang kanyang maskara kapag ito ang nanalo. No match siya rito, alam niya. Kaya wala siyang ibang magagawa kundi tanggalin ang kanyang maskara.
Okay lang iyon sa kanya, kung hindi nga lang siya nito kilalang si Jaeda at siguradong madidismaya ito kapag nakita nitong siya ang nasa likod ng kanyang pulang maskara.