She wanted to be with him forever.
Nagtungo si Casey sa isang exclusive resort dahil ibig niyang magbakasyon upang makalimot sa kanyang artistang nobyo na ipinagpalit siya sa isang starlet. Malay ba niyang nasa mismong eksklusibong resort pala ang kanyang hunghang na nobyo? At kasama pa nito ang starlet nito!
Aalis na sana siya sapagkat natuklasan niyang kulang ang pondo niya para manatili sa resort ngunit nakita na siya ng ex niya at ng nobya nito. To the rescue ang chubby na front desk personnel, si Sancho. Pinatuloy siya nito sa isang silid, libre. Ito rin ang naging tagapakinig ng mga hinaing niya sa buhay. He was curing a broken heart, too. But one day, she wanted to be the cure for his broken heart because he had become hers.
Ang problema, parang hindi siya makita ni Sancho bilang babaeng ibig nitong makasama sa buhay. Ang sabi pa nito, siya ang unang babaeng kaibigan nito.