“Kung puwede nga lang sanang turuan ang puso, `no? Sana ay gano’n lang kadali. Sana ay puwede kong hilingin sa `yo na ako na lang ang mahalin mo…”
JD, please take care of my baby girl. I trust you. Don’t let anyone harm her.
Iyon ang bilin kay JD ng Ninong Amante niya at ang baby girl na tinutukoy nito ay si Peachy. Pero malayong-malayo sa pagiging baby si Peachy dahil dalaga na ito at hindi ito dapat ibinilin ng ninong niya. Gusto niya kasing maging higit pa sa babysitter ang papel niya sa kanyang kinakapatid.
Pero kapag ginawa niya iyon, baka bumangon sa hukay ang ninong niya.
Ang saklap naman ng kapalaran ni JD…