Kahit na anong available na raket ay pinapasok ni Nicole para lang kumita at makatulong sa mga kapatid. She even tried committing a petty crime once, at doon niya nakilala ang makulit na si Jex Hamilton. Tinulungan pa siya nito sa kanyang ginagawa at mula noon, palagi na niyang kasama ang lalaki sa mga raket. He was the best partner she ever had. Siguro dahil pareho sila ng estado sa buhay.
Iyon ang akala ni Nicole. Until she found out that Jex was one of the most successful and influential computer programmers in the world. A billionaire, for short. Hindi niya mapapatawad ang lalaki sa panloloko sa kanya. Ilang beses na kaya siya nitong pinagtatawanan kapag nakatalikod siya? Ang masakit pa, paniniwalaan ba niya si Jex nang sabihin nitong may pagtingin ito sa kanya?