“I’m going to marry you. And I’m not asking. I’m going to marry you whether you like it or not.”
Marami ang nagtaka kung bakit hindi bitter si Alicia sa broken relationship niya. Niloko man siya ng ex-boyfriend niya, wala siyang makapang bitterness sa kanyang puso. Pero gaya rin ng mga taong gustong makapag-move on, pinili niyang ibuhos na lamang ang atensiyon sa kanyang writing career.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli niyang nakita si Daniel—ang estrangherong lalaking inasar niya noon. Sino ba naman ang mag-aakalang best friend pala ng daddy niya ang namayapang ama nito?
In-snob lang ni Daniel ang beauty niya. And she took that as a challenge. Subalit magagawa ba talaga niyang makuha ang atensiyon ng lalaking hanggang langit na yata ang galit sa mga spoiled brat na tulad niya?