“The day I fell in love with you was also the day I truly understood what love means..”
Buong buhay ni Ariana ay pinaghandaan niya ang araw na ipapasa na sa kanya ng ama ang pamamahala sa Ariana’s Taste. Kaya naman sobrang saya niya nang sa wakas ay mangyari na iyon. Pero dahil sa isang maling business decision, nasira ang tiwala ng papa ni Ariana sa kanya.
Pero hindi lang pala iyon ang dapat problemahin ni Ariana. May iba pang naging casualty ang ginawa niyang business decision, ang De Asis Corporation na pinamamahalaan ng pinakaaroganteng lalaking nakilala niya—si Clarence De Asis aka Clay, the man who acted like he was a god among mortals.
Before Ariana knew it, bina-blackmail na siya ni Clay na gawin ang lahat ng gusto nito. At hindi lang iyon, minamanipula na rin ng lalaki ang kanyang buhay. Hanggang umabot na sa puntong kinukumbinsi siya nitong magpakasal para lang sa kapakanan ng kani-kanilang negosyo.
Sa pagitan ng mga pagbabanta ni Clay at pagpapaka-charming, hindi na alam ni Ariana kung alin ang umepekto sa kanya kaya natagpuan na lang niya ang sariling nakikipagpalitan ng “I do” sa binata.