“Sino ba kasi ang nagsabi sa iyong magnakaw ka ng halik? I’m giving it freely.”
Para tantanan na si Psyche ng mga magulang niya sa pagrereto sa kanya sa isang lalaking hindi niya gusto, nag-volunteer si Tep para magpanggap na boyfriend niya.
Nag-click ang “love team” nila. Napaniwala nila ang mga magulang niya na totoong may relasyon sila. Paano ba namang hindi? Maluluma si John Lloyd Cruz sa galing nitong magpakilig. Kaya ang puso niya, bigla yatang nagka-amnesia, nakalimutang umaarte lang si Tep kaya tuluyang nahulog sa guwapong “leading man” niya.
Pero paano sila magkakaroon ng masayang love story kung sa totoong buhay, ang “leading man” niya, magpapakasal na pala sa ibang “leading lady”?