| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
Pangarap ni Tere na makarating sa US of A at makapag-selfie sa Statue of Liberty. Ang way para makamit niya iyon ay magkaroon ng foreigner na boyfriend. Mukhang maaabot na niya ang pangarap dahil nagpapahiwatig na ang kanyang ka-chat na Kano na may gusto ito sa kanya. Sa katunayan, bibisita ito sa bansa para makipagkita sa kanya. May isa lang problema: iniisip nitong sexy siya.
Mula pagkabata ay chubby na si Tere. At ngayon, well, mas chubby na siya—na palaging ipinagduduldulan ng kapitbahay niyang si Nate. Pero may inialok ito sa kanya: tutulungan siya ng binata na magpapayat kapalit ng pagiging endorser niya ng gym nito.
Pero kasabay ng pagkalusaw ng taba ni Tere ang pagkalusaw ng kanyang galit kay Nate. Ang puso niyang nababalutan ng kolesterol, nagsimulang tumibok para sa binata.
At habang tumatagal, nagbabago na ang kanyang goal. Ayaw na yata niyang pumunta sa Amerika. Parang... parang gusto na lang niyang makipag-date kay Nate sa kanyang karinderya...