Matagal nang inaalagaan ni Rok-rok ang pagmamahal niya para sa best friend niyang si Juanito. Aminado siyang umaasa siyang darating ang araw na mamahalin din siya nito na hindi lamang bilang kaibigan.
Ngunit may iba itong mahal at handa itong gawin ang lahat para sa babaeng iyon, si Zara.
Tinangka niyang paghiwalayin ang mga ito. Ang dahilan ay dahil mahal niya si Juanito at si Zara ay isang babaeng hindi nararapat para dito. Ngunit hindi nagkasira ang mga ito kundi silang magkaibigan. Her friendship was all she had with Juanito, but now it was gone.
Nagalit nang husto sa kanya si Juanito at ibig nitong gumanti sa kanya.