Man, what an ugly broad. Iyon ang unang naisip ni Ramoncito nang makita si Rasheeda sa unang pagkakataon. Hindi niya akalaing muling magtatagpo ang mga landas nila nang maging business associate niya ang ama nito. And then she started following him around. Mabait siya rito sapagkat anak ito ng negosyanteng ka-deal niya. Ngunit mukhang inakala ng babae na may ibang kahulugan ang kabaitan ni Ramoncito. But for God’s sake, he only dated pretty ladies. Malayo sa pagiging ganoon si Rasheeda.
Until one day he had to tell her the truth—that he did not think they could ever be together. Medyo napasama ang pagsasagutan nila. Hindi na ito nagpakita pa sa kanya. Sinubukan niyang hanapin si Rasheeda upang humingi ng tawad ngunit nawawala na ito at walang makapagsabi kung nasaan na ang dalaga.
Pero bakit parang hindi matahimik si Ramoncito? Was it just his guilt talking or had he fallen in love with a woman who was not pretty—to put it mildly?