“Just admit you desire me. Baka pagbigyan pa kita.”
Sa kabila ng katotohanang walang makitang maganda si Tonya kay Montaner maliban sa gandang lalaki at yaman nito ay natagpuan niya ang sariling natutuwang kasama ito. Nasakyan niya ang ugali ng lalaki. At unti-unti ay nakita niyang may itinatago naman pala itong kabutihan.
Nahulog ang loob niya rito.
Kung kailan palagay na ang loob ni Tonya sa binata ay saka niya hinarap ang isang malaking suliranin—sasabihin ba niya kay Montaner na malaya na ito sa kanya o patuloy niyang paniniwalaing kailangan nitong pakasalan siya?