“And the funny thing was, when you told me you’re moving on without me, it scared me more than the fact I’m getting married to a woman I don’t even see myself making love with.”
Kan-kan wanted no one else but Ali since she was young. Sa tingin niya ay may pagtingin din naman ang lalaki sa kanya sapagkat ang bawat kahilingan niya ay pinagbibigyan nito. Ngunit sa muling pag-uwi niya ng bansa mula sa matagal na pamamalagi sa Amerika ay labis siyang nasorpresa sa kaalamang handa nang mag-propose ang binata sa iba. He even baked a cake for the woman to set his engagement ring on. Aba, hindi siya makakapayag! She ate the cake and ruined his proposal. At gagawin niya ang lahat upang hindi matuloy iyon.
Ang tanong lang: kaya ba ni Kan-kan na tuluyang pigilan ang binata?