| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
“Kung nalaman ko lang dati na ngayon na lang kita mayayakap uli sa harap pa ng maraming tao, sana ay ginawa ko na nang paulit-ulit noon pa, noong tayong dalawa lang.”
Charis had an on-and-off relationship with Karoy—the man who never even became her exclusive boyfriend. He was gorgeous, he was rich, he was funny; his personality was dazzling and he was good in bed.
Labas-masok ito sa buhay niya sa loob ng ilang taon at hinayaan lang niya ang lalaki sapagkat mahal niya ito. Sa tuwing maghahanap si Charis ng mas malalim na relasyon, mawawala ito, at muli na lamang babalik tuwing nais na niyang baguhin ang takbo ng buhay niya o kapag may dumarating na ibang lalaki sa kanyang buhay. At kapag umaasa na naman siyang lalalim kung ano man iyong mayroon sila ay mawawala na naman si Karoy. It was a cycle that she grew tired of. She decided to stay far away from him.
Habang palapit ang araw ng pag-alis ni Charis ay parang ayaw niyang matuloy iyon. Ngunit bakit hindi niya itutuloy gayong wala naman ni isang hakbang na ginawa si Karoy upang pigilan siya?