Sana, sana, sana maibalik niya kahit isang gabi lamang ang panahong masaya pa sila ni Bianca. For the night was so sad and he simply had to stop lying to himself even if only for a while—he missed her so damn much.
Attorney Wulfredo Resplandor was a respected and famous lawyer and the president of Territorio de los Hombres. Mula sa pamilya ng mga basagulero at siga, nagawa niyang magtagumpay sa kanyang matinding pagsisikap. Dugo, pawis, at pasakit ang puhunan niya makamit lamang ang kanyang mga pangarap. Now he had everything he only used to dream about—and more.
Walang mag-aakalang ang mga gabi niya ay puno ng kahungkagan at pangungulila sa isang babaeng dapat ay matagal na niyang kinalimutan—si Bianca. Damn her for playing with his emotions, for not staying true to her words...