Isang malaking kasalanan ang nagawa ni Loraine noong kabataan niya. Na-involve siya sa isang maling pag-ibig kaya hinusgahan siya ng sariling pamilya. Dahil doon ay idinistansiya niya ang sarili, lalo na sa mga lalaki.
She was not looking for love but Paolo came along. Si Paolo ay tulad din ng mga taong hindi niya gusto—mapanghusga rin. Unang pagkikita pa lang nila ay hindi na niya nagustuhan kung paano siya tingnan ng lalaki dahil marami siyang tattoo sa katawan. Tattoo artist kasi si Loraine at may malalim na dahilan ang pagkakaroon niya ng mga tattoo.
Pero isang araw ay nag-iba ang ihip ng hangin, nag-feeling close si Paolo kay Loraine hanggang sa namalayan niyang nai-in love na siya sa binata. Hindi nagtagal ay nagtapat na nga ito ng pag-ibig.
Ang problema, matanggap kaya ni Paolo ang “dark past” ni Loraine?