“The ring fits perfectly. Just like you’re perfect for my heart, and for my life.” Likas na matulungin si Amber kaya naman sa kabila ng kabruskuhan ng pasyente niyang si Rafus, tinulungan niya ito. Sa pagtulong niya ay nagkalapit sila. At bago pa niya namalayan, nahuhulog na pala ang loob niya sa binata. Nagkaroon ng katugon ang pag-ibig ni Amber. Ilang buwan silang nagkaroon ng relasyon at nagsama ni Rafus. Hanggang dumating ang araw na kinailangan na niyang hiwalayan ang binata kahit pa isang napakalaking sakripisyo niyon para sa kanya. Pero hindi inaasahan ni Amber na magkikita silang muli ni Rafus. At hindi lang sila basta nagkita, kinupkop at inalagaan din siya nito kahit na sa pagkakataong iyon, alam ni Amber na hindi na lang siya ang babae sa buhay ni Rafus…