Sa wakas ay natagpuan na ni Penelope ang matagal na niyang hinihintay na walang kamatayang first love. Kaya hahamakin niya ang lahat, masunod lamang ang makapangyarihang pag-ibig—kahit pa ang harapin ang galit ng kanyang Kuya Bias.
Sa dinami-rami kasi ng maaaring mahalin, kay Third Sia pa siya na-in love—the infamous leader of her brother's rival fraternity. At tila handang magdeklara ng frat war ang kapatid niya maprotektahan lang siya.
Handa ba siyang magpaka-Helen of Troy? At sino sa mga ito ang una niyang dadaluhan kung sakali, sino ang mas matimbang? Kapamilya o Kapuso?