“Ginawa kong bingi at bulag ang sarili ko sa sinasabi ng puso ko, kaya tuloy huli ko na napagtantong ikaw lang pala ang gusto ko. Ikaw lang at wala nang iba.”
Raie went to her hometown for her one month vacation. Sa araw ng pagdating niya sa kanilang bayan, nakita niya ang isang singsing na basta na lang itinapon ng isang lalaki. The guy turned out to be her hero, the one who saved her when she almost got herself into an accident. Si Rafael, ang guwapo ngunit masungit na abogadong kapitbahay niya.
Nalaman ni Raie na brokenhearted pala ang hero niya dahil in love sa best friend nitong ikinasal na, kaya ganoon na lamang kasungit. Pero dahil sa pagiging pakialamera niya sa buhay ng may buhay, itinalaga niya ang sarili bilang tagapagligtas ng puso ni Rafael.
But in the process of helping him heal his heart, she fell in love with him.
Problema iyon para kay Raie. Paano niya tutulungan si Rafael na mabuo muli ang puso nito kung ang sarili niyang puso ay tila dinudurog sa kaalamang kahit ano ang gawin niya ay in love pa rin ang lalaki sa best friend nito?