Shopping Cart

You save ₱0.00 on this order.
Total

₱0.00

Checkout
Category
Sugar Babe
E-book

Sugar Babe

by: Zain Taylor

₱45.00
Category: Precious Hearts Romances
Weight: grams
Texture:
Quantity:
Size:
Weight: grams
Texture:

“Maniniwala ka ba na pag-aari mo na ang puso ko? Itinapon ko na sa pusod ng dagat ang susi ng puso ko dahil tanging ikaw ang itinitibok nito. At wala akong kakayahan na pigilan ang nararamdaman ko para sa `yo.”


Lumuwas sa Maynila si Jovel para hanapin si Jerry, ang lalaking nakabuntis sa kanyang kapatid. Natunton naman niya ang address ng lalaki, ngunit ganoon na lang ang pagkagulat niya nang ang humarap sa kanya ay si Nick, ang lalaking simpatiko—at mabango—na una niyang nakilala sa bus terminal.
Aminado si Jovel na naging instant crush niya si Nick. Paghangang pilit niyang nilabanan nang malaman na half brother ni Nick si Jerry.
Pero nang sabihin niya ang pakay ay nagprisinta si Nick na tulungan siyang hanapin ang biglang naglahong kapatid nito. Sino siya para tumanggi, lalo’t hindi na niya alam kung paano makikita si Jerry?


Sa panahon na magkasama sila ni Nick ay asikasong-asikaso siya nito. Tila naging bonding moments nila ang mga araw na kung saan-saan sila nakakarating dahil sa paghahanap. Hanggang isang araw, sa gitna ng pagod, ay bigla siyang hinalikan ni Nick at sinabing may gusto ito sa kanya.


Nahati ang damdamin ni Jovel. Bigla siyang natauhan. Diyata’t nawala na siya sa focus. Paano na ang kanyang kapatid? Pero paano naman ang pagkakataong matagpuan ang sariling kaligayahan sa piling ng lalaking unang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal?

    There are no ratings for this product yet.

Related Products

Download our new eBooklat App

Experience our new app and subscribe.

ImageImageImage
Image
Image