They shared a kiss, not because someone stole a kiss, or someone needed a lesson on how to kiss. They kissed because it seemed to be the natural way to do, the natural yearnings of their hearts.
Dyoza Anastacia kissed a girl, but she did not like it! Napulaan pa siyang hindi marunong humalik. Agad siyang nagsumbong sa best friend na si Toqacio, ngunit sa halip na makisimpatya ay tinawanan pa siya nito!
Sa di-maipaliwanag na dahilan ay napapayag si Dyoza na magpaturo sa binata kung paano humalik. Naglapat ang kanilang mga labi. And, oh, boy! She kissed Toqacio and she loved it! Ayaw tanggapin ng kanyang isip ang naramdaman. Tomboy siya, remember?
Sa kamalasan pa, nahuli sila ni Lola Tacia. Halos kaladkarin sila ng lola niya papunta sa simbahan upang iharap sa dambana. Katakot-takot na pakiusapan ang nangyari para kumalma lamang ang matanda.
Ayos na sana ang lahat, napayapa na ang kalooban ng kanyang lola, nang bigla naman siyang ipakilala ni Toqacio sa lolo nito bilang nobya.
Ano ang nangyari sa usapan nila na walang talo-talo sa magkumpare?
`Ayun, muling nabuhay ang adhikain ng kanyang Lola Tacia na ipakasal siya kay Toqacio. Handa raw nitong ipaglaban ang nadungisan niyang puri!