I don't like you, Amelia... I'm sorry." Parang minartilyo ang puso ni Mia nang marinig mula kay Marchael ang mga katagang iyon. Alam niyang mag-iiba ang lahat pagkatapos na aminin sa kababata ang kanyang tunay na nararamdaman. Right then and there, she knew she lost the man she loved since childhood. She lost her best friend. And right then and there, Mia knew she had to move on. Nasa proseso na siya ng "moving on" nang muling bulabugin ni Marchael ang kanyang puso at isip. He kissed her! Kung noon sana iyon ginawa ni Marchael ay natuwa pa siya. Pero hindi na ngayon, dahil may boyfriend na siya. At isa pa, nangako si Marchael na hindi ito mahuhulog sa kanya.