Best friends with benefits ang peg ng kung ano man ang mayroon si Stella sa best friend niyang si Jay. No regrets dahil mula pa noon ay mahal na mahal na niya si Jay.
Tuwing gustong pag-usapan ni Jay ang estado nila, iniiba ni Stella ang usapan. Mas gusto niyang walang label kung ano man sila dahil alam niyang kapag nagsawa na si Jay ay bibitaw ito, which she didn’t want to happen.
She treasured everything they had. Na-feel din niyang ginawa rin ni Jay ang parte nito. Pero dumating ang araw na kailangan nilang maghiwalay dahil sa pagsulpot ng babaeng gusto talaga ni Jay—si Florida. Itsa-puwera na si Stella at napakasakit niyon sa kanya.
Five years later, naka-move na si Stella. Pero ang lupit talaga ng tadhana. Ikakasal na sina Jay at Florida at siya ang gagawa ng wedding gown ng babae. Ang mas masakit pa, akala lang pala niya na naka-move on na siya…