“Pagod na akong tumakbo palayo sa `yo. Higit sa lahat, pagod na akong magpanggap na hindi kita mahal, kaya heto na ako. Iyong-iyo.”
Roberta and James had a one-night stand the first time they met. Pagkatapos ng gabing iyon ay tumakas si Roberta nang hindi man lang namamalayan ni James. Sino ang mag-aakala na pagkalipas ng dalawang taon ay magkukrus muli ang mga landas nila? Pero nakatakda nang ikasal si James. Higit sa lahat, si Roberta pa mismo ang mag-aayos ng engagement party ng binata at ng mapapangasawa nito. Kaya ba niyang pigilan ang nararamdaman para kay James na pinilit niyang kalimutan?