“You’ve already become a part of my life, and I still intend to make you a part of the rest of it.”
PJ was Anette’s boyfriend, but not quite. Ang ama lang naman ni PJ ang may nais na magkaroon sila ng relasyon ng anak nito. Napilitan siyang pumayag dahil ayaw niyang biguin ang ama ni PJ na naging napakabuti sa kanya at sa pamilya niya at nakita naman niya sa mga mata ni PJ ang assurance na gagawa ito ng paraan para makatakas sila sa sitwasyong iyon.
Sigurado siya na wala siyang pagtingin kay PJ pero bakit daig pa niya ang isang ulirang asawa na matiyagang ipinagluluto ito ng mga paborito nitong pagkain kapag nasa bahay niya ito? Nami-miss din niya ito kapag hindi sila nagkikita. Sigurado rin siya na walang pagtingin sa kanya si PJ pero parang nag-e-enjoy yata itong masyado sa “relasyon” nila dahil hindi ito gumagawa ng paraan para “maghiwalay” sila. At nang magpaligaw siya sa iba, nagalit ito.
Could it be they had fallen in love with each other unknowingly in the course of their charade?