“Kahapon, ngayon, bukas—pare-pareho lang. Pare-pareho lang kitang mahal.”
Si Eli ang pinakamaganda at pinakamabuting nilalang sa mga mata ni Renton… thirteen years ago. Pero pagkatapos siyang iwan ng babae sa araw ng graduation nito, napalitan ng galit ang paghangang iyon. Pinili niya ring huwag makibalita ng kahit anong may kinalaman kay Eli sa loob ng mga taong hindi sila nagkita.
Hanggang sa isang araw bigla na lang sumulpot si Eli sa condo unit na tinutuluyan ni Renton, dala ang malaki nitong maleta.
Kinailangan pa tuloy nila na magsama sa iisang bubong. At nang malaman niya na nasa kapahamakan ang dalaga, bakit bigla na lang tumibok ang puso niyang akala niya ay nakalimot na?
Sa lahat ng oras na puwedeng bumalik si Eli, bakit ngayon pa kung kailan nagiging maayos na ang lahat sa career… at sa puso niya?