Isinusumpa ko na magmamahal ka sa isang babaeng pangit! At hindi ka niya mamahalin kahit kailan!" Tinawanan lang ni Alfonso Cordova ang sinabi ng taong-grasang umaway sa kanya dahil ayaw niya itong kuhanan ng picture. Bakit naman siya magkakagusto sa pangit? He is a celebrated international fashion photographer. Pawang pinakamagagandang mukha sa industriya ang nakaka-date niya. Hanggang makita niya si Ravelleang pinakamagandang babae sa kanyang paningin. But Ravelle is no supermodel. She is not a fair princess. Dahil sa isang aksidente ay nasira ang bahagi ng mukha ng dalaga. Kaya hindi maintindihan ni Alfonso kung bakit lagi siyang nakabuntot dito. Pero meron nga bang true love o mas totoo ang sumpa?