“A long time ago, you made this carefree jock and overall self-absorbed frat guy fall in love with you and you changed his life. Kasi, sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, naisip niya na may puwede pala siyang mahalin nang higit sa sarili niya.”
Five years ago, iniwan ni Via si Red para i-pursue ang kanyang theater career sa ibang bansa. She needed to focus at hindi niya kaya ang distraction ng isang karelasyon.
Ngayon ay nagbalik siya sa Pilipinas, sick and broken. Si Red ang muling sumalubong sa kanya para alagaan siya. Pero iba na ang sitwasyon nito. Natuklasan niyang hindi na siya ang nag-iisang babae sa buhay nito.
Dapat ay hindi siya nasasaktan dahil nang umalis siya, siya pa mismo ang nagsabi rito na maghanap ito ng ibang mamahalin, someone who deserved his love. And yet, ngayon ay gusto niyang makiusap dito na siya na lang uli ang mahalin nito…