Nang makita uli kita, saka ko na-realize kung bakit naiinis ako sa iyo dahil lagi na lang kitang naiisip, at kung bakit mas pinili kong makipag-asaran sa iyo sa halip na lambingin ka. Because I've been in love with you all along." May hindi pagkakaunawaan sina Arwen at Raju nang umalis ang binata ng Sagada. Ngunit pagkaraan ng dalawang taon ay bumalik ito. Nagulat siya nang batiin siya nito bigla, na para bang bale-wala na rito ang nakaraan. Hindi siya handa roon. Lalo na sa damdaming muling pinukaw nito sa kanyang puso. Yes, she was still in love with him. At kahit anong pilit niya na isantabi ang damdaming iyon ay hindi niya magawa, lalo at pilit na nakikipaglapit uli sa kanya ang binata...