You are the only memory I can't let go. At ayokong manatiling alaala lang ang lahat. I want to make it real..." Nang malaman ni Kimberly na namatay si Rohann, kasama na ring namatay ang kanyang puso. At s loob ng maraming taon, nabuhay siya sa kalungkutan. Batid niya na kailanman ay hindi na siya magiging masaya. Sa pagpunta niya sa Sagada, ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita niya ang binata. Akala pa nga niya ay nagmumulto ito. But he was real. Nagkaroon ng pag-asa ang puso niya. Babawi siya sa lahat ng nangyari sa nakaraan. At sisikapin niyang mahalin uli siya nito gaano man kahirap gawin iyon dahil ang kaligayahan niya ang nakataya.