Masaya na ako na alam mong mahal kita at alam ko rin na gusto mo ako. Nagkakaintindihan na tayo n'on. Until such time you can love me, I'm willing to wait." Nagtungo si Kimberly sa Baguio upang hanapan ng katarungan ang pagkamatay ng kapatid niya. Kailangan niyang makakuha ng impormasyon upang makita ang taong dahilan ng maagang pagkawala ng kanyang kuya. Hindi niya inaasahan na makikilala niya si Rohann Madrigal, ang kapatid ng taong hinahanap niya. At lalong hindi niya inakalang agad na mahuhulog ang loob niya rito. She was, in fact, so in love with him. Kailanman ay hindi niya maaatim na gamitin ito para lang maghiganti ang kanyang pamilya. Alam niyang may ibang paraan para makakuha siya ng katarungan. But things got out of hand. Nagbanta ang grupo ng kuya niya. Nabunyag kay Rohann ang dahilan ng pagtungo niya sa Baguio. At ang pagmamahal na sa tuwina ay nasasalamin niya sa mga mata nito ay napalitan ng ibayong galit...