I'd be a star with no night if I don't have you." Nakilala ni Jemarra si Rui noong nasa Sagada siya para sa isang assignment sa pingtatrabahuhan niya. Nagka-crush siya rito dahil tipo talaga niya ang mga lalaking may singkit na mga mata. Pero suplado ito. Ni lingunin siya ay tila ayaw nitong gawin. Iignorahin na rin sana niya ito kung hindi lang sana pinaglapit ng pagkakataon. Ito ang tumulong sa research niya. Akala niya ay magtutuluy-tuloy na iyon. Nakasilip na siya ng pagkakataon na magkaroon ng magandang future ang pagsasamahan nila. Ngunit bigla niyang nalaman na ang kasamahan niya sa trabaho ang ex nito at sanhi ng kawalang-tiwala nito sa pag-ibig. Paano na siya? papayag ba siyang mapunta lang sa wala ang lahat ng efforts niya? Hindi yata!