| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
“I need you to marry me, Cassandra,” sabi ni Gabriel habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Matagal nang may gusto si Cassandra kay Gabriel Villasica, ang best friend ng kuya niya. Nakakakilig sana ang alok nitong kasal pero alam niyang may malaking dahilan sa likod niyon. Paanong wala, eh, alam niya na walang anumang nararamdamang espesyal para sa kanya si Gabriel. Bukod doon ay may napakalaking kasalanan ang kuya niya sa binata.
Nagtatalo ang puso at isip ni Cassandra pero sa bandang huli ay nanalo ang kanyang puso. Hindi nga lang niya inaasahan ang resulta ng naging desisyon.