| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
“Ilang babae man ang dumating sa buhay ko, ikaw at ikaw lang ang makikita ng mga mata ko.”
Nabuhay si Sunshine sa paniniwalang babalikan siya ng kababata niyang si Louie at pakakasalan. Sa loob ng maraming taon ay umasa siyang tutuparin nito ang pangako nito. Isa iyon sa mga dahilan kaya lahat ng lalaking gustong mapalapit sa kanya ay itinaboy niya maliban lang sa isa—si King, ang isa pang kababata niya.
Nang dumating ang araw na nakatakda na uli silang magkita ni Louie ay sobra ang saya ni Sunshine. Sa wakas ay matutupad na ang pangarap niya na pakakasalan siya nito. Ngunit ganoon na lang ang sakit na naramdaman niya nang sa pagbabalik ni Louie ay kasama nito ang asawa nito. Sobrang sakit ang idinulot niyon sa kanya. Sa pagdadalamhati niya ay hindi siya iniwan ni King kahit isang saglit. Muli nitong itinuro sa kanya kung paano mabuhay nang masaya. Nanatili ito sa tabi niya hanggang sa bumalik uli ang ngiti sa mga labi niya. At sa bawat araw na magkasama sila ay lumalim ang nararamdaman niya para dito.
Ngunit hindi niya magagawang ipagtapat dito ang tunay na nararamdam niya dahil may Rachel na sa buhay nito. Sa pangalawang pagkakataon yata ay iiyak na naman siya at mabibigo.