Gano'n nga siguro kapag nagmamahal, tvala kang maiisip na rason at paliwanag kung bakit ka nagmamahal. I just felt it and can't do anything about it." CJ had been in love with Jena since the first time he saw her. At ngayon ay magkaibigan sila. At dahil magkaibigan lang sila, wala siyang karapatang sumbatan si Jena sa sakit na nararamdaman niya. Ngayon niya napagtanto na isa siyang malaking tangadahil nagmamahal siya ng isang babaeng walang ibang inisip kundi ang makasama ang namayapang nobyo. Paano niya ipaglalaban ang kanyang damdamin gayong handa si Jena na isuko kahit ang sariling buhay para sundan ang lalaking minamahal? Sumagi sa isip ni CJ ang hula ng kanyang Lola Puring. Pero malay ba niyang magkakatotoo ang hula? Kung alam lang niyang magkakatotoo iyon ay sinunod na sana niya ang ipinayo nito. Iniwasan na sana niya si Jena, ang unang babaeng minahal niya at ngayon ay nagdudulot ng sakit sa kanyang pusolabis na sakit na hindi niya inakalang mararamdaman kailanman.